The Blogger_ :)
Vachael

Associates
ace ailene ate micheve
bernard bodi cathie cesar
christie christine gill jackie
melmel mia mikki nina pipay
rose tara vincent yayam

Links
blogger photobucket cbox
michevevachael.multiply.com
facebook.com/vachael
vachael.tumblr.com
formspring.me/vaaach

Taggie! :)

 


 

   2.15.2006
   my talumpati

   

Ano kaya kung halimbawa, habang nagtuturo ang titser mo bigla ka nalang magsisigaw sa klase? Ano kaya ang mangyayari sa’yo kung habang hindi nakatingin ang iyong kaklase, bigla mo na lang kunin ang kanyang pera o baon at ariing iyo? Tiyak paparusahan ka ng titser mo! Baka madala ka pa sa Prefect of Students at madamay pati mga magulang mo. Kung minamalas ka, baka matanggal ka pa sa paaralan! Bakit? Sapagkat lumabag ka sa batas! Bawal kasi ang manggulo o magnakaw.

Itatanong mo siguro, “Bakit ba mayroon pang mga batas? ‘Di ba pwedeng kanya-kanyang banat na lang? Kapag ninakawan ka, eh ‘di suntukin mo! Pagkatapos, kapag bumagsak kunin mo uli ang ninakaw!”

Kung ganito ang mangyayari, tiyak rambol. Kasi kung walang batas, sino ang magsasabing ang isang bagay ay bawal o hindi bawal? Halimbawa, ninakawan ka ng kaklase mo. Kapag kinuha mong muli, sasabihin niya sa iyo, “Bakit? Sino ang maysabing bawal ang ginawa ko? Mayroon ka at wala ako. Kinuha ko ang sa iyo. Anong masama roon?” Siyempre, magdedebate kayo. Pero magpipilit siyang hindi masama ang ginawa niya at ikaw naman, ipamumukha mo sa kanyang mali siya. Ilang sandali pa, suntukan na! Pagkatapos, tawagan na ng malalaking kaibigan at matatandang kapatid. Bago mo mamalayan, pati ang tatay mo, kasama na sa away! Pero kung may mga batas, hindi ito mangyayari. Sinasabi kasi ng batas na bawal magnakaw. Kaya kapag magnakaw ka, huli ka na, kulong ka pa! Tapos ang usapan! Naintindihan n’yo na ba ang ibig kong sabihin? Mahalaga ang mga batas. Ito ang nagbibigay sa atin ng kaayusan at kapayapaan. Ang mga batas ang nag-aayos ng mga bagay-bagay at naglalagay sa dapat na kinalalagyan. Ang mga batas ang nagpapatupad ng ating mga karapatan. Ito rin ang nagsasabi ng maaari at hindi maaari nating gawin. Isipin ninyo nalang kung walang mga batas, Ano kaya ang gagawin mo o nating lahat? Kaya hindi natin dapat kalimutan na ginawa ang mga batas upang tayong lahat ay magkaintindihan at magkaisa.

Ngunit nakalulungkot isiping ang ilan sa atin ay hindi sumusunod sa batas, mapabayan man o mapa-paaralan. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa! Alam mo kung bakit? Kasi nariyan ka! Nariyan kayong lahat. At alam kong maiisipan n’yo ring pipiliting maibalik ang pagpapatupad at pagsunod sa mga batas. O, maaasahan ka ba ng bayan?


    0 people reacted...
   vachael @ 7:06 PM



Archives.
November 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 May 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 March 2007 April 2007 May 2007 July 2007 August 2007 October 2007 January 2008 July 2010